Sunday, March 15, 2009

Table 9 shows that 12(60%) of our respondents sharing their masturbation experience to their friends does not improve their social life while 8(40%) of our respondents stated that says that it improves their social life.



Table 9 do their sharing masturbation experience helps in their social life.
Response Frequency Percentage
Yes 8 40%
No 12 60%
Total 20 100%



















Table 10 A is showing the ways of the respondents in committing orgasm while masturbating. 7(29.17%) of them answered that they are reading pornographic reading materials before masturbating while 14(53.33%) of them stated that they are watching pornographic videos before masturbating. Furthermore the remaining number of the respondents, 3(12.5%)of them answered that they are scanning pornographic magazines before they do masturbation

Table 10 A the respondent’s way on reaching orgasm
Ways Frequency Percentage
Reading pornographic materials 7 29.17%
Watching pornographic videos 14 58.33%
Scanning pornographic magazines 3 12.5%
Total 20 100%

















The table 10 b is showing that 3(15%) of the respondents uses lotion in reaching up orgasm, 3(15%) of them Also says that they use oil, 5(25%) use shampoo, 1(5%) use sex toys and 5(25%) of them says that they are using soap for lubrication in doing masturbation to reach orgasm.



Table 10 B the respondent’s materials in reaching orgasm
Materials Frequency Percentage
Lotion 3 15%
Oil 3 15%
Shampoo 5 25%
Sex toys 1 5%
Soap 5 25%
None 3
Total 20 100%












Table 11 shows that 7 (35%) of the respondents stated that masturbation is a sin. The remaining number of the respondents have answered that masturbation is not a sin actually.


Table 11 the respondent’s view if masturbation is a sin
Responce Frequency Percentage
Yes 7 35%
No 13 65%
Total 20 100%






















Table 12 shows that 5 (25%) of the respondents agree that the church must have to prohibit masturbation whiole in the other hand 15 (75%) do not agree that church must prohibit masturbation.


Table 12 the respondent’s reaction for the church to prohibit masturbation
Response Frequency Percentage
Yes 5 25%
No 15 75%
Total 20 100%




















Table 13 shows that five (5) among the respondents says that masturbation can help a person in gaining height. On the other hand fifteen (15) of them stated that masturbation cannot make a person go taller.

Table 13 the respondents views on masturbation can make you tall.
responce Frequency Percentage
Yes 5 25%
No 15 75%
Total 20 100%























Table 14 states shows that the respondents don’t believe that masturbation can make them go blind. None of them (0%) answered that masturbation can make a person go blind while all of the respondents (100%) answered that masturbation cannot make a person go blind.


Table 14 the respondent’s views on if masturbation can make you go blind.
Response Frequency Percentage
Yes 0 0%
No 20 100%
Total 20 100%
























Table 15 shows that the respondents answered masturbation can help them sleep. 12(60%) of the respondents answered that they do masturbation in order to sleep while 8(40%) answered that masturbation doesn’t help them sleep.



Table 15 the respondent’s response in masturbation can help a person to sleep.
Response Frequency Percentage
Yes 12 60%
No 8 40%
Total 20 100%

Saturday, March 14, 2009

em em ... tignan mo baka may mali to...
Source of Data
The data which are used in this research came from the twenty (20) respondents who have met the criteria as participants of the study. The selected respondents must be male and fifteen to eighteen (15-18) years of age which was believes that males of this age frequently do masturbation.

Data Gathering
During the conduct of the study, the researchers designed a questionnaire which was distributed to the respondents. The questionnaire aims to determine the perception of the respondents on masturbation. Aside from the purpose of knowing their perception, the questionnaire was designed also to determine what are their techniques as well as their materials in doing such. The questionnaire furthermore determines the effect of masturbation among males fifteen to eighteen years of age (15-18). The distribution of the questionnaire used a random sampling style in which the only limitation to the respondents is their age and gender.
Aside from using a questionnaire is gathering data and information, the researchers have also used the library as a source of information and references. In the same manner the researchers make used also of the internet.

Friday, March 13, 2009


Diin
Leizann gaerol a del castillo

Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako sa ibang kama. Sa ibang kama na may kasamang ibang tao. Damang-dama ko ang hapdi ng aking lalamunan dala ng malalakas na pagsambit sa nag-iisang pangalang Eva buong magdamag sa tuwing ito ay dinidiinan ko. Sariwa pa ang mga sugat na dala ng marahil na higpit ng yapos ni Eva sa tuwing dinidiinan ko. Magkahawak ang aming mga kamay na wari ay naglalakad at patungo sa sukdulan sa tuwing dinidiinan ko. Isang minimithing pangarap na nabigyan ng katuparan sa tuwing dumarating kami sa sukdulan ni Eva sa tuwing dinidiinan ko.

Isang magandang dilag na nagniningning sa gitna ng parang. Maalindog ang bawat galaw. Tila pulang ilaw na patay sindi ang kanyang mga mapupungay na mga mata na nag-aanyaya at humahalina sa tuwing siya ay kumikindat. Ang itim at kintab ng kanyang buhok na tila alon ng dagat sa tuwing sumusunod sa galaw. Ang binalat sibuyas na mga binti at kutis ang una mong mapapansin sa tuwing wala siyang saplot. Makinis at mapupulang mga labi ang kanyang pambungad sa tuwing kami ay magkakatitigan. Siya si Eva, ang babaenng hinugot sa aking tadyang at isang obra kung siya ay aking ihahambing.

Sa ganitong paraan pinaikot ni Eva ang mga bawat sandali ng aking buhay sa mundong ibabaw. Ang palagian niyang pagsulpot sa aking kama ang nagdadala sa amin sa sukdulan. Bukod sa kanyang kagandahan ay meron pa siyang itinatagong katangian. Masarap siyang mag-alaga at magmahal. Dito na marahil ang dahilan kung bakit nahulog ang aking puso sa isang magandang dilag na ito. Ibibigay niya kahit anong meron siya, ganito katindi magmahal ang binibining ito. Magpapasabay ka sa bawat pag-indayog ng pag-ibig niya.

Tila tumigil ang aking mundo magmula nang makilala ko siya. Kinalimutan ko pati ang mga taong mahahalaga sa akin. Pati na rin ang aking pinagmulan ay aking sinuway maibigay lamang ang atensyon sa kanya. Marahil ay pagsasayang ng panahon ang pagsama sa ganitong babae ngunit isang malaking pagkakamali ang tumanggi sa isang biyaya. Lumipas pa ang mga araw at ganun din ang mga nagyayari. Ilang araw na ang nagigising na magkasama sa isang kumot. Ilang araw na nagpapalit ng laway. Ilang araw na ipinupuhunan ang mga patak ng pawis marating lang namin ang tinatawag na sukdulan.

Nakatali na ako sa minamahal kong babae, ngunit nang si Eva ay lumapag sa aking buhay, ang babaeng nagtali sa akin ay kinalimuatn ko na. Para bang nakawala ako sa matagal na pagkakatali. Tila si Eva ang naging susi sa matagal kong pagkabilanggo sa madilim at nakakatakot na hawla. Wala na akong magagawa ng mga panahon na iyon. Lumilipad ang puso ko patungo sa direksyon na kinaroroonan ni Eva. Ito ang nagbunsod sa aking isip at damdamin na hiwalayan at lisanin na ang relasyon namin ni Marie. Ramdam ko ang mga hinagpis ni Marie. Tila patak ng ulan na ayaw nang tumigil ang kanyang mga luha. Wala naman akong ibang magawa sadyang kay Eva na yata ang aking puso. Hindi lubos matanggap ni Marie ang aming paghihiwalay.

Nagpakalayo-layo kami ni Eva. Sa isang maganda, liblib at mapayapang lugar. Doon kami ay namuhay ng matiwasay. Nagbunga ang katas ng aming pagmamahalan, biniyayaan kami ng isang malusog na batang lalake. Noon ay masaya naming pinagsasaluhan ang bawat isang saglit ng aming pagsasama.

Sa kabila ng magandang pagsasamahan, isang madilim na umaga ang dumating. Ang aming matamis na pagsasamahan ay biglang tumabang na animo’y parang maghihiwalay na ang aming landas. Ang ganitong pagyayari ay sa kadahilanang nawawala siya sa tuwing kumakapit ang dilim.

Nahihiwagaan talaga ako sa kanya. Sa mga panahong iyon na ‘di na mailarawang pangamba. Sino ba namang asawa ang hindi mag-aalala sa tuwing aalis sa pugad ang inahin. Nagtuluy-tuloy ang mga pagkawala ni Eva sa pagsapit ng dilim at ang mga kabog ng aking puso, dala ng pangamba sa aking kabiyak.

Kasabay ng pagkawala ni Eva sa dilim ay ang unti-unting pagsuko ng aking puso na magmahal sa kanya. Ang pagkawala niya sa gabi ang nagbusod sa akin upang lumayo sa kanya. Napabayaan niya ang aming pamilya. Hindi na siya ang dating nakilala ko. Kung noon ay maalagain siya, iba na siya ngayon. Napapabayaan na niya pati ang aming kalusugan. Nalilimutan din niya na may tungkulin siya sa amin bilang pamilya niya.

Kalong ang anak namin ay umuwi kami sa bahay ng aking mga magulang. Nagbalik ako ng loob sa mga taong iniwan at kinalimutan ko noon. Mabuti na lamang at binigyan pa nila ako ng isang pagkakataon.

Nagkabalikan kami ng dati kong kasintahan. Mga luha’t mahihigpit na yakap at halik ang isinalubong niya sa akin. Minahal niya ako muli katulad ng dati at pati na rin ang aming anak ni Eva na parang tunay na rin niyang anak.

Sariwa pa rin sa aking puso at isipan ang misteryosong idinulot ni Eva sa aking buhay. Ang pagkawala niya tuwing gabi ay isa pa ring bukas na hiwaga na walang kasagutan.

Thursday, March 12, 2009

research in filipino

“MGA NAIDUDULOT NG PAGMAMASTURBEYT SA MGA
KABATAANG LALAKE SA GULANG NA 15-18”




Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino,
Kolehiyo ng Sining at Agham, Pampamahalaang
Pamantasan ng Mariano Marcos




Bilang Pagtupad sa mga Pangangailangan ng
Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananliksik



Iniharap nina:



Emmanuel M. Yago
Laezann Gaerol del Castillo
Arjay Calantes
Mga Mananaliksik
Bachelor of Science in Nursing
Kolehiyo ng Agham Pangkalusugan




Kay:



Bb. Cherry Joy Discaya
Instruktor




Marso, 2009
Ikalawang Semestre
S. Y. 2008-2009

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Mga Naidudulot ng Pagmamasturbeyt sa Mga Kabataang Lalake sa Gulang na 15-18” na may layuning matugunan ang mga sumusunod na katanungan: Una, anu-ano ang mga epekto ng masturbasyon sa mga kabataang lalake na may edad 15-18? Ikalawa, anu-ano ang mga kagamitan at pamamaraan sa pagmamasturbeyt? Ikatlo, sinu-sino ang mga pwedeng magmasturbeyt? Ikaapat, anu-ano ang mga maling paniniwala hinggil sa pagmamasturbeyt? At ang panghuli, naaapektuhan ba ang mga pansosyal na buhay at katayuan sa lipunan ng mga taong nagmamasturbeyt?
Ang pag aaral na ito ay isinagawa sa pamamaraang random sampling na kung saan ang lahat ng miyembro ng isang populasyon ay may pare-parehong tiyansa na mapili bilang miyembro ng tinatawag na sample sa pananliksik na ito. Sa pamamagitan ng mga kaibigan at kaklase ng mga mananaliksik, naisagawa ang pagpili ng mga miyembro ng sample sa panaliksik na ito.
Ang mga napiling respondente sa pagaaral na ito ay mga kabataang lalake edad mula 15-18 taong gulang.
Walang piniling tiyak na kurso ang pagbibigay ng mga kwestyuneyr. Ito ay sa kadahilanang maliit lamang ang nasaasakupan o saklaw ng 15-18 taong gulang na mga respondente. Pumili ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigan at kaklase ng tatlumpung (30) kabataang lalake bilang ginamit sa random sampling na modelo ng pagsasarbey.
Batay sa pag-aaral ng mga manaliksik at base na rin sa mga sagot ng mga respondente, napag-alaman at lumitaw ang mga sumusunod na konklusyon: Ang pagmamasturbasyon ay isang uri ng pantanggal ng stress. Napag-alamang maraming magandang naidudulot ang masturbasyon. Unang-una, nakapagtatanggal ito ng tensyon. Sa ilang pag-aaral, napatunayan na ang orgasmo na nakakamit ng taong nagmamasturbeyt ay nakakarelaks. Ikalawa, nakapagpababa ito ng posibilidad ng pagkakaroon ng kanser sa prostata ayon na rin sa mga nakaraang pag-aaral. Ayon sa mga respondente, ang pagmamasturbasyon ay nakakaadik dahil sa ito ay masarap gawin.
Isa pa, ang masturbasyon ay isinasagawa ng nakakarami sa pamamagitan ng mga ibat-ibang bagay gaya ng panonood ng malalaswang pornograpiya at paggamit ng sabon at shampoo. Karamihan rin sa mga respondente ang naniwalang hindi ito nakakabulag at tumututol din sila sa pagbabawal ng simbahang Romano Katoliko at iba pang relihiyon na gawin ito.
Kaugnay ng kungklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang inirerekumenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: (a) Para sa mga kabataang nagbibinata na nais ng gawin ang pagmamasturbeyt, palawakin pa ang inyong kaalaman tungkol sa masturbasyon nang sa gayon ay hindi pangunahan ng maling akala ang inyong kaalaman higgil sa pagmamasturbeyt. Malaking tulong ang pag-aaral na ito sa mga iba’t-ibang kaalaman na gusto niyong malaman. (b) Para sa mga taong tinututulan ang pagtuturo ng sex education nawa’y bigyan natin ng tyansa ang mga kabataan na malaman ang mga epekto ng pagmamasturbeyt sa kanila. (c) Para sa mga taong mali ang interpretasyon ukol sa pagmamasturbeyt, palawakin pa ang kanilang mga kaalaman ukol sa pagmamasturbeyt. (d) Maaring gamitin ng mga susunod na mga mag-aaral o mananaliksik ang pag-aaral na ito upang maging batayan sa pag-aaral ding kanilang gagawin na may kaugnayan dito. Ipagpatuloy o palawkin pa ang pag aaral na ito tungo sa pagtuklas ng mas marami at higit pang relevant na mga datos o impormasyong maaring makatulong sa pagpapalawak ng mga kaalaman hinggil sa masturbasyon.



DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang Pamanahong Papel na ito na pinamagatang “Mga Naidudulot ng Pagmamasturbeyt sa Mga Kabataang Lalake sa Gulang na 15-18” ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mananaliksik mula sa Bachelor of Science in Nursing I-D na binubuo nina:
Emmanuel M. Yago
Laezann Gaerol del Castillo
Arjay Calantes

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Sining at Agham, Pamapamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos, Lungsod ng Batac, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.


CHERRY JOY DISCAYA
Instruktor, Departemento ng Filipino,
Kolehiyo ng Sining at Agham

PASASALAMAT

Malaking pasasalamat ang nais ipaabot ng mga mananaliksik sa mga sumusunod na mga tao at tanggapan dahil sa mga hindi mapantayang mga tulong at kontribusyon at suporta sa matagumpay na realisasyon ng pamanahong papel na ito:
- Kay Bb. Cherry Joy Discaya, ang matiyaga at masigasig na Instruktor ng mga mananaliksik sa Filipino II, sa lahat ng pagtulong at suportang ibinigay niya upang maisagawa ang pamanahong papel sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga hakabang at tamang pamamaraan sa pagsulat ng pamanahong papel ng mga mananaliksik.
- Sa lahat ng mga tagapangasiwa ng aklatan sa Kolehiyo ng Agham Pangkalusugan at sa Main Library na tumulong upang mapadali ang paghahanap ng mga manaliksik ng mga aklat at peryodikong kanilang basehan sa kanilang pananaliksik
- Sa mga awtor, editor at iba’t-ibang mananaliksik ng mga aklat na naging batayan at pinaghanguan ng mga mananaliksik na ito ng mga mahahalagang impormasyon kinailangan upang matapos ang kanilang pamanahong papel.
- Sa lahat ng mga naging respondente ng mga manaliksik, sa pagbibigay at paglalaan nila ng kanilang kaunting panahon upang sagutin ang kwestyuneyr na naihanda.
- Sa mga kapamilya, lalong-lalo na sa kanilang mga magulang, sa kanilang pag-unawa, tiwala at sa lahat ng kanilang taos-pusong pagsuporta sa mga mananaliksik.
- At ang panghuli at pinakaimportante sa lahat, sa Puong Maykapal sa pagbibigay sa mga mananaliksik ng ibayong pagtitiyaga, lakas, talino at pag-asang matapos ang pananaliksik na kanilang isinagawa.
- Mga Mananaliksik
TALAAN NG NILALAMAN

Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Introduksyon 1-3
Layunin ng Pag-aaral 4
Kahalagahan ng Pag-aaral 4-5
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 5
Depenisyon ng mga Terminolohiya 6
Metodolohiya
Disenyo ng Pananaliksik 7
Mga Respondente 7
Instrumentong Pampananaliksik 7-8
Tritment ng mga Datos 8
Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos 9-24
Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
Lagom 25
Konklusyon 25-26
Rekomendasyon 26
Listahan ng mga Sanggunian 27-28
Apendiks
Apendiks A Sulat Para Sa Mga Respondente 29
Apendiks B Kwestyuneyr Para Sa Mga Respondente 30-33
Apendiks C Kurikulum Bita Ng Mga Mananaliksik 34-37


LISTAHAN NG MGA GRAP

Grap I Pagpapakahulugan Ng Mga Respondente
Sa Masturbasyon 9

Grap II Pananaw Ng Mga Kalalakihan Tungkol sa Kung
May Magandang Naidudulot Ba ang Pagmamasturbasyon 10

Grap III Gaano Kadalas Gawin ng mga Respondente
ang Pagmamasturbasyon 11

Grap IV Ang Mga Nararamdaman ng Mga Respondente
Kung Sila ay Nagmamasturbeyt 12

Grap V Pananaw ng mga Respondente Kung
ang Masturbasyon Ba ay Nakakaadik 13

Grap VI Mga Dahilan Kung Bakit ang
Masturbasyon ay Nakakaadik 14

Grap VII Mga Lalaking Nagbahagi at Hindi Nagbahagi sa
Kanilang Kaibigan o Kaklase ng Kanilang
Karanasan sa Pagmamasturbasyon 15

Grap VIII Rason ng Mga Lalaking Nagbahagi ng Kanilang
Karanasan sa Pagmamasturbasyon sa
Kanilang Kaklase o Kaibigan 16

Grap IX Pananaw ng mga Kalalakihang Nagbahagi ng Kanilang
Karanasan sa Mastrurbasyon Patungkol sa Kung Ito Ba
ay Nakakatulong Sa Sosyal na Pakikitungo Nila sa
Kanilang Kaibigan o Kaklase 17

Grap X Pamamaraan o Kagamitang Ginagamit sa Pagtamo ng
Orgasmo sa Pagmamasturbeyt

A. Pamamaraan 18

B. Mga Kagamitan 19

Grap XI Naging Pananaw ng mga Respondente hinggil sa Isyu na ang
Gawaing Masturbasyon ay Bawal 20

Grap XII Pansariling Pananaw ng mga Respondente Kung Nararapat
Bang Ipagbawal ng Simbahan Katoliko o ng Iba
Pang Relihiyon ang Masturbasyon 21

Grap XIII Paniniwala ng mga Respondente Kung Nakakatangkad
Ba ang Pagmamasturbasyon 22

Grap XIV Paniniwala ng mga Respondente Kung Nakakabulag
Ba ang Pagmamasturbasyon 23

Grap XV Pananaw ng mga Respondente Kung
Nakakatulong Ba Ang Pagmamasturbasyon
Upang Sila ay Madaling Makatulog 24


ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Introduksyon
Hindi na bago sa isip ng mga tao ang salitang sekswalidad. Lalake man o babae, mula sa mga menor de edad hanggang sa mga matatanda, karamihan ay alam ang mga bayolohikal na aspeto ng mga sekswal na gawain. Hindi na rin lingid sa mga kabataan ang pisikal, emosyonal at sosyolohikal na parte nito. Reproduksyon, pakikipagtalik o isang malakas na pwersa na gumaganap sa ating pang-araw-araw na pamumuhay ang pumapasok sa ating mga isipan tungkol sa sekswalidad. Bukod dito, nakapaloob rin ang sinsabing masturbasyon na karaniwang pinagsisimulan ng pagtatalik ng mga mag-asawa at kalimitan rin ginagawa ng mga kabataan partikular na rito ang mga kalalakihan.
Binigyang kahulugan ni Gravowski, Casimer T. (1983) ang masturbasyon, ayon sa kanya, ito ay isang gawaing pakamay na marahang paghipo o paghawak sa ari hanggang maabot ang orgasmo. Ito ay isinasagawa ng mga lalake o babae ayon sa kanyang sarili o ayon sa haterosekwal na kapareha. Ito ay pangkalahatang naisasagawa sa pamamagitan ng paghipo ng ari ng walang nangyayaring pakikipagtalik sa pagkamit ng kasiyahan sa punto ng orgasm.
Maraming sabi-sabi na ang pagmamasturbeyt ay nakakabulag o nakakasira ng aring pang-reproduksyon. Ang mga pahayag na ito ay walang katotohanan, sa halip ay nakapagbibigay ito ng pisikal at mental na kabutihan. Bilang patunay, ang pagmamasturbeyt ay nakapag-aaalis ng stress at pisikal na tension. Maraming mga tao ang nagmamasturbeyt upang makapagrelaks at madaling makatulog.
“One study from 2001 found that orgasm that is from masturbation can relieve pain faster than medication. Some women masturbate to relieve menstrual cramps. Research has also shown that orgasm may even prevent prostate cancer,” Diem, S. (2004).
Iba-iba rin ang pananaw ng mga propesyunal tungkol sa kabutihang pangkalusugan ng masturbasyon. “Ayon sa mga duktor, nakakatulong ang madalas na pagmamasturba upang maiwasn o labanan ang pagkakaroon ng kanser sa prostate. Nakapagdurulot din ito sa pagakakaroon ng normal na sirkulasyon ng dugo, nakakabuti sa kalusugan ng sistemeng kardiyobaskular. Ayon sa mga sikolohista, nakakaalis ng tension ang madalas na masturbasyon, maging ng pag-aalinlangan, lalo na sa mga kalalakihan. Nakapagbibigay ito ng panandaliang ligaya at tiwala sa sarili, lalo na sa mga nag-iisa o wala pang asawa o katipan. Ayon naman sa mga sosyolohista, antropolohista, at guro, isa sa mga pangunahing interes ng mga nagbibinata ang paksang masturbasyon. Sa mga estudyante sa hayskul, ang gawaing ito ang madalas na pag-usapan ng mga magkakaibigan, na pinagmumulan ng tukso, katuwaan, at iba pang intereaksyong sosyal na mahalaga sa mga dumaraan sa panahon ng pubertad,” (http://tl.wikipedia.org/wiki/Pagsasalsal).
Itinuturing naman bilang isang kasalanan ang masturbasyon sa larangan ng relihiyon partikular na ang simbahang Romano Katoliko. Ayon sa bibliya, si Onad na taga Sodoma at Gomora ay pinarusahan dahil sa sekwal na pamamaraan at adiksyon ng mga tao. Ayon sa simbahan, wala ng karapatan ang tao na gawin ang seks kung hindi pa sila mag-asawa o kasal sa simbahan. Wala ng sinuman ang hindi niya katipan at ipinagbabawal din nila ang magsagawa ng seks sa pamamagitan ng masturbasyon. Sa larangan ng pananampalataya, itinuturing nila na ang ginhawang nakukuha sa pakikiapagtalik maging ang masturbasyon ay isang biyayang makukuha kung ito ay ganagamit sa pagpaparami ng lahi o prokreasyon (“Pagsasalsal”).
“In the dictionary, masturbation is defined as an erotic stimulation especially of one’s own genital organs commonly resulting in orgasm and achieved by manual or other bodily contact exclusive of sexual intercourse, by instrumental manipulation, occasionally by sexual fantasies, or by various combinations of these agencies. It is also a form of an outlet, a form of release of sexual energy, an alternative for sexual intercourse,” Torrecampo, Randy C. (2003).
Ang problema ay hindi ito pinahihintulutan ng simbahan. Bagamat ito’y pinaniniwalaan na pagkamakasarili, karaniwan pa rin sa kalalakihan at kababaihan ay ginagawa ito habang karga-karga ang konsensyang dala nito.
“Fr. Paul Marquez of the society of St. Paul reasons that the Human body is the temple of Holy Spirit. And thus, should be respected and not be submitted to any form of fornification.”
Para sa simbahan, ang masturbasyon ay isang alternatibong panghalili sa pakikipagtalik na dapat ay ginagawa lamang ng mag-aswa. “The erotic thought that comes with it is what makes it a sin,” sabi nga ni Torrecampo, Randy C. (2003). Kung gayon, ang paglalahad ng mga balidong impormasyon sa madla partikular sa mga kabataan ay nararapat lamang upang malaman nila ang dapat at di dapat gawin at ang mga epekto nito sa kanilang pisikal, emosyonal at sikolohikal na pangangatawan.

Layunin ng Pag-aaral
Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng mga impormasyon hinggil sa masturbasyon at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan: Una, anu-ano ang mga epekto ng masturbasyon sa mga kabataang lalake na may edad 15-18? Ikalawa, anu-ano ang mga kagamitan at pamamaraan sa pagmamasturbeyt? Ikatlo, sinu-sino ang mga pwedeng magmasturbeyt? Ikaapat, anu-ano ang mga maling paniniwala hinggil sa pagmamasturbeyt? At ang panghuli, naaapektuhan ba ang mga pansosyal na buhay at katayuan sa lipunan ng mga taong nagmamasturbeyt?

Kahalagahan ng Pag aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalaga ang pag aaral na ito. Isa itong pagsusuri na nagbibigay ng mga kasagutan sa napakaraming katanungan hinggil sa pagmamasturbeyt. Magsisilbing simple background ang pag-aaral na ito. Sa mga estudyanteng nag-aaral ng pagpaplanong pampamilya. Makatutulong din ang pag aaral na ito sa pagwawasto ng mga maling kaalaman ukol sa masturbasyon.
Mahalaga ang mga impormasyong nakalap at naisaad hindi lamang sa mga kabataang lalake edad 15-18 kundi sa lahat ng mambabasa na naghahanap ng mga bagong impormasyon hinggil sa masturbasyon.
Sa pamamgitan ng pag aaral na ito maihahayag ang mga magiging epekto ng pagmamasturbeyt sa kanilang pansosyal at pisikal na katangian.
Bukod sa mga nailahad na kahalagahan, nakakatulong din ang pag-aaaral na ito upang masukat at maebalweyt ng mga mambabasa ang kanilang mga nalalman hinggil sa masturbasyon. Kung gayon, inaasahang sa pamamagitan ng pag-aaral na ito maibabahagi sa mga kabataang lalake edad 15-18 ang mga epekto ng pagmamasturbeyt at upang malunasan ang kanilang mga maling akala.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagtuklas ng mga epekto ng pagmamasturbeyt sa mga kabataang lalake. Sakop ng pananliksik na ito ang mga kabataang lalake na nasa 15-18 taong gulang ng Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos.
Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mga kabataang lalake na may edad 15-18 dahil sa pinaniniwalaan ng mga mananaliksik na sa mga panahong ito ng pagbibinata madalas ang pagmamasturbeyt. Naniniwala rin ang mga mananaliksik na sa kasalukuyang panahon ang pinakamainam na pagakakaroon ng ganitong pag-aaral dahilan sa ito ang panahon ng pagsusumamo ng mga mamababasa na matugunan ang kanilang iba’t-ibang katanungan hinggil sa pagmamasturbeyt hindi lamang sa mga respondente kundi maging ng publiko sa kabuuan.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Upang mas mapadali at Ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat bigyan ng mga mananaliksik ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong papel na ito:
Ang adolescence ay yugto o panahon ng pagbibinata o pagdadalaga ng isang tao babae man o lalake
Ang antropolohista ay ang mga indibidwal o pangkat ng mga tao na nag iimbestiga sa nakaraan sa pamamagitan ng mga labi o mga kagamitan noong sinaunang panahon.
Ang genitalia ay ang mga aring panreproduktibo ng tao (babae/lalake).
Ang masturbasyon ay gawaing pakamay na marahang paghipo at pag hawak sa ari hanggang umabot sa orgasmo.
Ang mutual masturbation ay isang sekswal na gawain na kung saan dalawa o higit pa sa dalawang tao ang sabay-sabay na nagmamasturbeyt.
Ang orgasmo ay ang hindi maipaliwanag na nararamdaman ng mga taong nagmamasturbeyt. Karaniwang nakakamit nila ito sa tuwing bago labasan ng tamod ang lalake.
Ang penis ay ang aring panreproduktibo ng lalake
Ang sikolohista ang taong nagpakadalubhasa upang pag-aralan ang mga aral, diwa, at asal ng isang tao.
Ang vagina ay ang aring panreproduktibo ng babae.

METODOLOHIYA

Disenyo ng pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamaraang random sampling na kung saan ang lahat ng miyembro ng isang populasyon ay may pare-parehong tiyansa na mapili bilang miyembro ng tinatawag na sample sa pananliksik na ito. Sa pamamagitan ng mga kaibigan at kaklase ng mga mananaliksik, naisagawa ang pagpili ng mga miyembro ng sample sa panaliksik na ito.

Mga Respondente
Ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay mga kabataang lalake edad mula 15-18 taong gulang.
Walang piniling tiyak na kurso ang pagbibigay ng mga kwestyuneyr. Ito ay sa kadahilanang maliit lamang ang nasaasakupan o saklaw ng 15-18 taong gulang na mga respondente. Pumili ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigan at kaklase ng tatlumpung (30) kabataang lalake bilang ginamit sa random sampling na modelo ng pagsasarbey.

Instrumentong Pampananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng kwestyuneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang mga pamamaraan at epekto ng pagmamasturbeyt sa mga respondente.
Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon sa mga iba’t-ibang hanguan sa aklatan katulad ng mga aklat at mga peryodiko. Karamihan sa mga impormasyon ay nakalap mula sa “internet”.

Tritment ng mga Datos
Ang pamanahong papel ng mga mananaliksik ay isang panimulang pag-aaral lamang. Dahil dito, hindi na kinakailangang dumaan ang pagsusuring ito sa mataas na pamamaraan di gaya ng mga tesis na kinakailangan sa pagtamo ng isang digri. Inalam ng mga manaliksik kung gaano kadami ang pumili at sumagot sa bawat tanong at aytem ng inihandang kwestyuneyr. Ang pangangalap, pagkuha ng mga bahagdan at ang pagtatala ng mga datos ay ang isinagawa ng mga mananaliksik. Kumuha ang mga manaliksik ng tatlumpung (30) respondente ayon sa paraang random sampling.

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT
INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Grap I
Pagpapakahulugan ng mga Respondente
Sa Masturbasyon




Ayon sa grap na ito, mahigit tatlumpu’t tatlong bahagdan (33.33%) sa mga respondente ang nagsabing ang masturbasyon ay isang libanga. Mahigit anim na bahagdan (6.67%) naman ang nagsabing ito ay isang laro habang apatnapu’t tatlong bahagdan (43%) ang naglahad na ang masturbasyon isang uri ng pantanggal stress. Ang natitirang mahigit labing anim na bahagdan (16.67%) ay ang nagsabing pantanggal ng tensyon ang masturbasyon.

Grap II
Pananaw ng mga Kalalakihan Tungkol sa Kung
May Magandang Naidudulot Ba ang
Pagmamasturbasyon





Inalam din ng mga mananaliksik kung may magandang dulot ba ang pagmamasturbeyt. Ayon sa sarbey na ipnipakita sa grap na ito, mahigit limampu’t anim na bahagdan (56.67%) ang nagsabing meron at mahigit apatnapu’t tatlong bahagdan (43.33%) naman ang nagsabing wala itong naidudulot na maganda.





Grap III
Gaano Kadalas Gawin ng mga Respondente
ang Pagmamasturbasyon



Sa lahat ng respondente, apatnapung bahagdan (40%) ang nagmasturbeyt ng isang beses isang linggo, tatlumpung bahagdan (30%) ang nagsabing ginagawa nila ito ng dalawang beses isang linggo. Dalawmpu’t tatlong bahagdan (23%) naman ang nagsabing nagmamasturbeyt sila ng isang beses isang araw at pitong bahagdan (7%) ang dalawang beses isang araw.

Grap IV
Ang Mga Nararamdaman ng Mga Respondente
Kung Sila ay Nagmamasturbeyt


Sa tatlumpung (30) respondente, mahigit animnapu’t anim na bahagdan (66.67%) ang naglahad na sila ay nasasarapan sa kanilang pahgmamasturbeyt. Mahigit dalawampu’t tatlong bahagdan (23.33%) naman nagsabing sila ay natutuwa, mahigit anim na bahagdan (6.67%) ang nasasaktan at mahigit tatlong bahagdan (3.33%) ang nahihirapan sa pagmamasturbeyt.




Grap V
Pananaw ng mga Respondente Kung
ang Masturbasyon Ba ay
Nakakaadik



Kapansin-pansin sa grap na ito na hamak na mas marami ang ang nagsabing ang pagmamasturbasyon ay nakakaadik. Pitumpu’t pitong bahagdan (77%) ang nagsabing ito ay nakakaadik at dalawampu’t tatlong bahagdan (23)% ang hindi.



Grap VI
Mga Dahilan Kung Bakit ang
Masturbasyon ay
Nakakaadik



Sa pitumpu’t pitong bahagdan (77%) ng mga respondente na nagsabing sila ay naaadik sa pagmamasturbasyon, mahigit animnapu’t anim na bahagdan (66.67%) sa kanila ang nagsabing dahil ito ay masarap. Mahigit anim na bahagdan (6.67%) naman ang nagrason na ito ay nakakatanggal ng tensyon at mahigit tatlong bahagdan (3.33%) ang nagdahilang sanay na nila itong ginagawa.



Grap VII
Mga Lalaking Nagbahagi at Hindi Nagbahagi sa Kanilang
Kaibigan o Kaklase ng Kanilang Karanasan
sa Pagmamasturbasyon



Ipinapakita ng grap na ito ang bahagdan ng mga lalaking nagbahagi ng kanilang karanasan sa masturbasyon sa kanilang kaibigan o kaklase. Mapapansin natin na mahigit animnapu’t anim na bahagdan (66.67%) ang mga lalaking hindi nagbahagi ng kanilang mga karanasan sa pagmamasturbeyt at mahigit tatumpu’t tatlong bahagdan (33.33%) naman ang mga lalaking nagbahagi. Sa madaling salita, higit na mas marami pa rin ang mga lalaking hindi nagbahagi ng kanilang karansan sa pagmamasturbasyon.


Grap VIII
Rason ng Mga Lalaking Nagbahagi ng Kanilang
Karanasan sa Pagmamasturbasyon sa
Kanilang Kaklase o Kaibigan



Narito ang mga tumutugon sa mga letra sa grap VIII:
A) upang ipagyabang na sila ay nagmamasturbeyt
B) upang mapatunayan na sila ay lalake
C) upang maituro ang iba’t-ibang pamamaraan ng pagmamasturbeyt
D) upang maibahagi ang sarap na kanilang natamasa.


Hinggil naman sa mga lalaking nagbabahagi ng kanilang karanasan ay kapansin sa grap na ito na wala ni isang bahagdan (0%) ang nagsabing ibinabahagi nila ang kanilang karanasan sa pagmamasturbasyon upang ipagyabang na sila ay nagmamasturbeyt. Tig tatlumpung bahagdan (30%) naman ang nagsabing sila ay nagbabahagi ng kanilang karanasan upang mapatunayan na sila ay lalake at upang maibahagi ang sarap na kanilang natamasa. Parehong dalawampung bahagdan (20%) naman ang nagsabing nagbabahagi sila upang maituro ang kailang pamamaraan at nagsabing wala lang.
Grap IX
Pananaw ng mga Kalalakihang Nagbahagi ng Kanilang Karanasan sa Masturbasyon Patungkol sa Kung Ito Ba ay Nakakatulong
Sa Sosyal na Pakikitungo Nila sa Kanilang
Kaibigan o Kaklase




Sa sampung nagsabing sila ay nagbabahagi ng kanilang karanasan sa pagmamasturbasyon, dalampung bahagdan (20%) lamang ang nagsabing ito ay nakakatulong sa sosyal na pakikitungo nila sa kanilang mga kaibigan o kaklase at walumpung bahagdan (80%) naman ang nagsabing hindi.





Grap X
Pamamaraan o Kagamitang Ginagamit sa Pagtamo ng
Orgasmo sa Pagmamasturbeyt

A. Pamamaraan

Mahigit limampu’t tatlong bahagdan (53.33%) sa mga naging respondente ang naglahad na sila ay nanonood ng malalaswang pelikula sa pagtamo ng orgasmo at ang natitirang mahigit apatnapu’t anim na bahagdan (46.67%) ay nagbabasa ng malaswang babasahin o pornograpiya.





B. Mga Kagamitan


Ipinapakita ng grap na ito kung ano ang mga pangunahing kagamitan ng mga respondente kung sila ay nagmamasturbeyt. Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang pangunahing kagamitan ay ang sabon na umabot sa mahigit na tatlumpu’t tatlong bahagdan (33.67%). Pumapangalawa dito ay ang shampoo na umabot sa mahigit dalawampu’t anim na bahagdan (26.67%). Sumunod dito ay ang walang ginagamit na kagamitan na mahigit labing-anim na bahagdan (16.67%) at ang mga gumagamit ng lotion na umabot sa mahigit labintatlong bahagdan (13.33%). Panghuli naman sa kagamitan ang gumagamit ng langis at sextoys na may mahigit tig-tatlong bahagdan (3.33%).




Grap XI
Naging Pananaw ng mga Respondente hinggil sa Isyu na ang
Gawaing Masturbasyon ay Bawal



Ipinapakita ng grap na ito ang pansariling pananaw ng mga respondente hinggil sa gawaing masturbasyon. Mahigit limampu’t anim na bahagdan(56.67%) ang sumagot na ito ay hindi bawal. Mahigit dalawampu’t anim na bahagdan (26.67%) naman ang sumagot ng oo at ang natitirang mahigit labing anim na bahagdan (16.67%) ay ang walang pakialamkung ang pagmamasturbasyon man ay bawal o hindi.





Grap XII
Pansariling Pananaw ng mga Respondente Kung Nararapat
Bang Ipagbawal ng Simbahan Katoliko o ng Iba
Pang Relihiyon ang Masturbasyon



Hinggil naman sa isyung ang masturbasyon ay ipinagbabawal ng simbahan, napag-alaman ng mga mananaliksik ang mga saloobin ng mga respondente. Pitumpung bahagdan (70%) sa kanila ang nagsabing hindi dapat ipagbawal ang masturbasyon at ang natitirang tatlumpung bahagdan (30%) ay ang nagsabing ito ay dapat na ipagbawal.





Grap XIII
Paniniwala ng mga Respondente Kung Nakakatangkad
Ba ang Pagmamasturbasyon



Ipinapakita ng grap na ito na mahigit labing anim na bahagdan (16.67%) ang naniniwalang ang pagmamasturbeyt ay nakakatangkad at mahigit animnapu’t tatlong bahagdan (63.33%) ang naniniwalang hindi ito nakakatangkad. Sa kabilang dako, dalawampung bahagdan (20%) ang sumagot ng ewan dahil hindi alam kung nakakatangkad nga ba ang pagmamasturbasyon.

Grap XIV
Paniniwala ng mga Respondente Kung Nakakabulag
Ba ang Pagmamasturbasyon



Mahigit walumpu’t anim na bahagdan (86.67%) ang naniniwalang hindi nakakabulag ang pagmamasturbasyon sa kabuuan ng mga respondente at parehong mahigit tig anim na bahagdan (6.67%) naman ang naniniwalang ito ay nakakabulag at ang sumagot ng ewan.




Grap XV
Pananaw ng mga Respondente Kung Nakakatulong Ba
Ang Pagmamasturbasyon Upang Sila ay
Madaling Makatulog



Sa lahat ng mga respondente, mahigit limampu’t tatlong bahagdan ang naglahad na ang pagmamasturbasyon ay nakakatulong upang sila ay makatulog. Tatlumpung bahagdan (30%) naman ang naglahad na ito ay hindi nakakatulong at labing pitong bahagdan (17%) ang nagsabing minsan lang.

LAGOM, KONKLUSYON AT
REKOMENDASYON

Lagom
Ang pag aaral na ito ay isinagawa sa layuning maihatid ang mga epekto ng masturbasyon sa mga kabataang lalake edad labinlima (15) haggang edad labin walo.
Upang malaman ang mga epekto, mga kagamitan at pamamaraan sa pagmamasturbeyt ng mga kabataang lalake, dumisenyo ang mga mananaliksik ng isang kwestyuneyr. Ang kwestyuneyr na ginamit ay naglalaman ng mga katanungang susuri sa mga pamamaraan at mga kagamitang ng mga kabataang lalake sa pagmamasturbeyt gayundin ang mga epekto ng pagmamasturbeyt sa kanila.
Ang pagpapamudmod ng mga kwestyuneyr ay wala masyadong sinunod na mga batayan. Tanging ang edad lamang ang bigyan ng limitasyon at ito ay ang edad labinlima (15) haggang labinwalo (18) ang mga napiling mga respondente na sasagot sa mga kwestyuneyr. Nagpamudmod ang mga mananliksik ng tatlumpong (30) kwetyuneyr sa tulong ng kanilang mga kaibigan at kaklase.

Konklusyon
Batay sa pag-aaral ng mga manaliksik at base na rin sa mga sagot ng mga respondente napag-alaman at lumitaw ang mga sumusunod na konklusyon: Ang pagmamasturbasyon ay isang uri ng pantanggal ng stress. Napag-alamang maraming magandang naidudulot ang masturbasyon. Unang-una, nakapagtatanggal ito ng tensyon. Sa ilang pag-aaral, napatunayan na ang orgasmo na nakakamit ng taong nagmamasturbeyt ay nakakarelaks. Ikalawa, nakapagpababa ito ng posibilidad ng pagkakaroon ng kanser sa prostata ayon na rin sa mga nakaraang pag-aaral. Ayon sa mga respondente, ang pagmamasturbasyon ay nakakaadik dahil sa ito ay masarap gawin.
Isa pa, ang masturbasyon ay isinasagawa ng nakakarami sa pamamagitan ng mga ibat-ibang bagay gaya ng panonood ng malalaswang pornograpiya at paggamit ng sabon at shampoo. Karamihan rin sa mga respondente ang naniwalang hindi ito nakakabulag at tumututol din sila sa pagbabawal ng simbahan na gawin ito.
Bilang karagdagan sa mga konklusyon, masasabi ng mga mananaliksik ng buong tiwala sa sarili na ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay isang malaking tulong sa mga kabataan sa kanilang mga katanungan tungkol sa masturbayon at pati na rin sa mga susunod na mga mananaliksik na magiging batayan nila sa paggawa ng pag-aaral ding may kaugnayan sa pananaliksik na ito.

Rekomendasyon
Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
a. Para sa mga kabataang nagbibinata na nais ng gawin ang pagmamasturbeyt, palawakin pa ang inyong kaalaman tungkol sa masturbasyon nang sa gayon ay hindi pangunahan ng maling akala ang inyong kaalaman higgil sa pagmamasturbeyt. Malaking tulong ang pag-aaral na ito sa mga iba’t-ibang kaalaman na gusto niyong malaman.
b. Para sa mga taong tinututulan ang pagtuturo ng sex education nawa’y bigyan natin ng tyansa ang mga kabataan na malaman ang mga epekto ng pagmamasturbeyt sa kanila at pati na rin ang mga magandang naidudulot nito sa kanilang katawan.
c. Para sa mga taong mali ang interpretasyon ukol sa pagmamasturbeyt, palawakin pa ang kanilang mga kaalaman ukol sa pagmamasturbeyt.
d. Maaring gamitin ng mga susunod na mga mag-aaral o mananaliksik ang pag-aaral na ito upang maging batayan sa pag-aaral ding kanilang gagawin na may kaugnayan dito. Ipagpatuloy o palawkin pa ang pag aaral na ito tungo sa pagtuklas ng mas marami at higit pang relevant na mga datos o impormasyong maaring makatulong sa pagpapalawak ng mga kaalaman hinggil sa masturbasyon.

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

Aklat:
Hyde, Shibley (2004). Understanding Human Sexuality
Third Ed., Von Hoffman Press. Inc. 1997
pp. 19, 228-229, 410-411, 17-229

Kimmel, M.S. (2000). The Gendered Society. 198 Mafigon Ave.,
New York, New York 10046. Oxford University Press
Inc. pp. 224, 226, 231

Guerrero, I. V. (1982). Sexorama. Pp. 116-119

Grabowski, C. T. (1983). Human Reproduction and Development.
United States of America. CBS College Publishing Inc.
pp. 223-224

Kozier, B. and ERB, G. et al (2004). Fundamentals of Nursing
Seventh Ed., Upper Saddle River, New Jersey Pearson
Education, Inc. p. 982

Peryodiko:

Sy, G. S. (2005, January 01). Information Files on Sex Education:
Sexual Problems. Manila Bulletin. p. A19

Valderama, T. (1999, November 07). Information Files on Sex
Education: Safe Sex With No Partner. p. A4

Sy, G. S. (2005, January 01) Information Files on Sexuality:
Senior Sexuality. Manila Bulletin. p. A14

Internet:

Mutual Masturbation. Retrieved December 22, 2008, From Wikipedia
http://en.wikipedia.org/wiki/masturbation

History of Masturbation: Retrieved December 2, 2008, From
http://sexuality.about .com/od/masturbation/p/masturbation.htm

Effects of Masturbation. Retrieved December 22, 2008, From
http://sexuality.about .com/od/effects-of-masturbation/p/masturbation.htm

What is Masturbation?Retrieved December 22, 2008 From
http://www.malehealth.co.uk/userpage1.6fm?item_id=1355

Masturbation. Retrieved December 22, 2008, From
http://www.penis.com/masturbation.htm

Masturbation. Retrieved December 22, 2008, From
http://www.teenwire.com/in focus/2004/if20041109p332.masturbation.pdf

Douglas Fox, A. (2003). Masturbation May Protect Against Prostate Cancer.
Retrieved December 22, 2008, From New Scientist Website
http://ww.newscientist.com/article/dn3942-masturbating-man-may-protect-against-prostate-cancer.htm




APPENDIKS
Apendiks A
Sulat Para Sa Mga Respondente

Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos
Kolehiyo ng Agham Pangkalusugan
Departamento ng Narsing
Lungsod ng Batac

Ginagalang naming Respondente,
Kaming mag-aaral ng Bachelor of Science in Nursing I-D ng asignaturang Filipino II ay nagsasagawa ng pamanahong papel na pinamagatang “Mga Naidudulot ng Pagmamasturbeyt sa Mga Kabataang Lalake sa Gulang na 15-18” na may pangkalahatang layunin na maipahayag at mailahad sa madla ang mga epekto ng pagmamasturbeyt at ang mga bunga nito lalo na sa mga kabataang may edad na 15-18.
Ang pananaliksik na ito ay nabibilang sa anyong pagsasarbey. Dahil dito, bilang isa sa pangangailangan sa nasabing asignatura sa ilalim ng pamamahala ng mahal naming guro na si Bb. Cherry Joy Discaya, Instruktor ng Filipino II, Kolehiyo ng Sining at Agham, humihingi po kami ng inyong kaunting oras para sagutin ng buong katapatan ang mga tanong sa kwestyuneyr na aming inihanda. Tinitiyak po namin ang pagiging komfidensyal ng inyong katauhan at maging ang mga sagot na inyong ilalahad.
Lubos po naming ikagagalak at tatanawing utang na loob ang pagsagot niyo sa mga katanungan. Diyos na lang po ang gumabay sa inyo at maraming salamat.
Sumasainyo,

EMMANUEL M. YAGO
LEIZANN GAEROL DEL CASTILLO
ARJAY CALANTES
MGA MANANALIKSIK
Binigyang-pansin:
CHERRY JOY DISCAYA
INSTRUKTOR

Apendiks B
Kwestyuneyr Para Sa Mga Respondente


Pangalan: Edad:
Kurso: Kasarian:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Bilugan ang mga sagot na alam niyong karapat-dapat sa mga naihandang mga tanong.
1. Ano ang masturbasyon para sa iyo?
a. Libangan
b. Laro
c. Pantanggal ng stress
d. Pantanggal ng tension
2. May magandang dulot ba ito sa iyo?
a. Meron
b. Wala
3. Kung ikaw ay nagmamastubeyt, gaano mo ito kadalas gawin?
a. Tatlong beses sa isang araw
b. Isang beses sa isang araw
c. Isang beses sa isang lingo
d. Dalawang beses sa isang linggo
4. Ano ang nararamdaman mo sa tuwing ikaw ay nagmamasturbeyt
a. Natutuwa
b. Nasasarapan
c. Nasasaktan
d. Nahihirapan
5. Nakakaadik ba ang pagmamasturbeyt?
a. Oo
b. Hindi
6. Kung nakakaadik ang pagmamasturbeyt, ano kaya sa tingin mo ang pangunahing dahilan nito?
a. Dahil sa ito ay masarap
b. Dahil ito ay nakakawala ng tensyon
c. Dahil sa ito ay sanay ng ginagawa?
7. Ikinikwento mo ba sa iyong mga kaibigan/kaklase ang iyong ginagawang pagmamasturbeyt?
a. Oo
b. Hindi
8. Kung ikinukwento mo ito sa iyong mga kaibigan/kaklase, ano ang iyong pangunahing rason ng pagkukwento?
a. Upang ipagyabang na ikaw ay nagmamasturbeyt
b. Upng mapatunayan mo sa kanila na ikaw ay lalake
c. Upang maituro mo ang mga iba’t-ibang pamamaraan ng pagmamasturbeyt
d. Upang maibahagi sa kanila ang sarap na iyong natamasa
e. Wala lang
9. Nakakatulong ba ito sa sosyal na pakikitungo mo sa kanila?
a. Oo
b. Hindi
10. Ano- ano ang mga paraan o kagamitang iyong ginagamit sa pagtamo ng orgasmo sa iyong pagmamasturbeyt?
A. Pamamaraan
a. Babasahing pornograpik
b. Manood ng mga malalaswang pelikula
B. Mga ginagamit na kagamitan
a. Losyon
b. Langis
c. Sextoys
d. Sabon
e. Shampoo
f. Walang ginagamit
11. Sa iyong sariling pananaw, ang gawaing pagmamasturbeyt ba ay bawal?
a. Oo
b. Hindi
c. Walang pakialam
12. Sa iyong pansariling opinyon, nararapat bang ipagbawal ng simbahan ang gawaing ito?
a. Oo
b. Hindi
13. Naniniwala ka ba na nakakatangkad ba ang pagmamasturbeyt?
a. Oo
b. Hindi
c. Ewan
14. Nakakabulag ba ang masturbasyon para sa iyo?
a. Oo
b. Hindi
c. Ewan
15. Kapag hindi ka makatulog, nakakatulong ba ang pagmamasturbeyt upang makatulog ka?
a. Oo
b. Hindi
c. Minsan


Apendiks C
Kurikulum Bita Ng Mga Mananaliksik


KURIKULUM BITA

Pangalan: Emmanuel M. Yago
Edad: 17
Kasarian: Lalake
Kurso: Bachelor of Science in Nursing
Seksyon: I-D
Permanenteng Tirahan: Brgy. #8 Caraitan, Badoc, Ilocos Norte
Tinutuluyang Tirahan: Brgy. Quiling Sur, Batac City, Ilocos Norte
Araw at Taon ng Kapananganakan: Disyembre 22, 1991
Lugar ng Kapanganakan: Camburay, San Jose, Occidental Mindoro
Mga Magulang:
Ina: Gng. Ofelia Yago
Ama: Eugenio Flores (sumakabilang buhay na)
Trabaho:
Ina: Tagapagkumpuni sa Bahay
Ama: ----

Edukasyon:
Primarya: Sta. Cruz Elementary School Taon: 2003-2004
Sekondarya: Sinait National High School Taon: 2007-2008
Tertiarya: Mariano Marcos State University Taon: Nasa Unang Taon Pa Lamang
Mga Mayoryang Parangal na Natanggap:
Primarya:
 Ikasiyam na Parangal sa Araw ng Pagtatapos sa Ikaanim na Baitang
Sekondarya:
 Mananaliksik ng Taon sa Agham at Teknolohiya (sa Ikalawang Taon)
• Unang Pwesto sa Intel Philippines Science Fair (Division Level)
• Finalist sa Intel Philippines Science Fair (Regional Level)
• Finalist sa National Science Fair – Science Investigatory Project
 Mananaliksik ng Taon sa Agham at Teknolohiya (sa Ikatlong Taon)
• Unang pwesto sa Intel Philipppines Science Fair (Division Level)
• Ikalawang Pwesto sa Intel Phippines Science Fair (Regional Level)
• Finalist sa Natinal Science Fair – Science Investigatory Project
 GMA Award for Science and Technology - Scientist of the Year (Ikaapat na Taon)
• Unang Pwesto sa Intel Philippines Science Fair (Division Level)
• Unang Pwesto sa Intel Philippines Science Fair (Regional Level)
• Finalist sa Intel Philippines Science Fair (National Level)
 Tagis-Talino Award (Taong 2007)
• Fnalist sa 16th Pambansang Samahan sa Edukasyon sa Pagpapahalaga (National Level)
 Tagis-Talino Award (taong 2008)
• Finalist sa 17th Pambansang Samahan sa Edukasyon sa Pagpapahalaga (National Level)
 Valedictorian sa Araw ng Pagtatapos
Pangalan: Leizann Gaerol A. del Castillo
Palayaw: LG, Leizann, Gaerol atbp.
Kurso: Bachelor of Science in Nursing
Taon at Seksyon: 1-D
Kasarian: Lalake
Araw ng Kapanganakan: September 30, 1991
Gulang: 17
Permanenteng Tirahan: Brgy. #7 Sta. Ana, Solsona, Ilocos Norte
Tinutuluyang Tirahan: Villa Floago INN unit 7, Brgy #17 Tabug, City of Batac
Mga magulang:
Ama: Rogelio A. del Castillo
Okupasyon: businessman/Self Employed
Ina: Maria Cristina A. del Castillo
Okupasyon: public teacher
Mga Kapatid/Kapatid: Cheizer Ninochka A del Castillo
Eskwelahan: Solsona National High School (main campus)
Edukasyon:
Elementarya: Sta. Ana Elementary School
Sekundarya: Solsona National High School (main campus)
Kolehiyo: Mariano Marcos State University (college of health Sciences)





Pangalan: Arjay G. Calantes
Palayaw: Jay
Kurso: Bachelor of Science in Nursing
Taon at Seksyon: 1-D
Kasarian: Lalake
Araw ng Kapanganakan: March 15, 1992
Gulang: 16
Permanenteng Tirahan: Brgy. #9, Vintar, Ilocos Norte
Tinutuluyang Tirahan: City of Batac
Mga magulang:
Ama: Romeo Calantes
Okupasyon: Driver
Ina: Julie Calantes
Okupasyon: Housewife
Mga Kapatid/Kapatid: Roxane Calantes
Eskwelahan: Ilocos Norte Collage of Arts and Trades
Mga Kapatid/Kapatid: Kristel Calantes
Eskwelahan: Mariano Marcos State University, Laboratory High School, Laoag City

Edukasyon:
Elementarya: Lubnac Elementary School
Sekundarya: Ilocos Norte Collage of Arts and Trades
Kolehiyo: Mariano Marcos State University (college of health Sciences)